PNP nakapagtala ng 40 kaso ng kidnapping na may kaugnayan sa POGO

PNP nakapagtala ng 40 kaso ng kidnapping na may kaugnayan sa POGO

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 40 kaso ng kidnapping na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa ulat ng PNP, karamihan sa mga kasong ito ay kinasasangkutan ng mga dayuhan, partikular na mga Tsino, na may koneksyon sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Matatandaang ipinag-utos ng administrasyong Marcos Jr. ang pagtigil ng operasyon ng POGO noon pang Disyembre 2024, ngunit hindi pa rin ito tuluyang nasugpo.

Ayon sa PNP, marami pa ring POGO ang patuloy na nag-ooperate sa kabila ng babala ng pamahalaan.

Batay sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group, ang 40 kaso ng pagdukot ay naitala mula Enero 2024 hanggang Pebrero 2025.

Sa bilang na ito, 10 ang mga Tsino na dinukot ng kapwa nila Chinese.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter