PNP OIC Gen. Danao, hindi muna haharap sa media matapos mabatikos sa pagsuko ng SUV driver sa insidente sa Mandaluyong

PNP OIC Gen. Danao, hindi muna haharap sa media matapos mabatikos sa pagsuko ng SUV driver sa insidente sa Mandaluyong

MATAPOS umani ng kaliwa’t kanang batikos sa mga netizen sa pagsuko ng driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong City, hindi muna haharap sa media si PNP OIC PLtGen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Danao, anuman ang kanyang sabihin ay mababatikos pa rin siya dahil sa galit ng publiko kay Jose Antonio San Vicente.

Nabatid na nakipag-usap si Danao sa PNP Press Corps kasunod ng insidente sa Camp Crame, kung saan nakapagbitiw ito ng hindi magandang salita nang tumangging magbigay ng panayam.

Sa pahayag ng PNP Press Corps, nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo sa inasal ni Danao at nanindigang responsable at patas ang lahat ng ulat kay San Vicente.

Wala rin aniyang dahilan para pagbuntunan ng galit ni Danao ang media.

Hinikayat din ng PNP Press Corps si Danao na suriin ang mga ulat na inilimbag, ipinalabas at nai-post online para sa kanyang gabay at kaliwanagan.

Iginiit naman ni Danao na hindi niya nagustuhan nang hingan siya ng panayam habang may isinasagawang programa sa kampo.

Follow SMNI NEWS in Twitter