PNP-PDEG director na diumano’y sangkot sa nasabat na 990 kilos na shabu noong 2022, magpapatawag ng press con

PNP-PDEG director na diumano’y sangkot sa nasabat na 990 kilos na shabu noong 2022, magpapatawag ng press con

PERSONAL na haharap sa media ngayong araw, si PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director PBGen. Narciso Domingo.

Haharap ang opisyal para magpaliwanag kaugnay sa diumano’y pagkakasangkot nito sa malaking halaga ng shabu na nasabat ng mga awtoridad noong 2022.

Matatandaang, sa isang pulong balitaan kagabi, April 10, 2023 ay tinukoy ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. ang mga opisyal na sina PLtGen. Benjamin Santos, PBGen. Narciso Domingo, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEG); PCOL Julian Olonan, hepe ng PDEG-SOU 4A; at PCapt. Jonathan Sosongco, head ng Arresting Team SOU-4A;

Kasama rin sa listahan ni Abalos sina PLtCol. Arnulfo Ibañez, OIC PDEG SOU NCR; PMaj. Michael Angelo Salmingo, deputy PDEG SOU NCR; PLt. Glen Gonzales ng QCPD; PLT Asgrap Amerol, Intel Officer PDEG; PLtCol. Harry Lorenzo III, ng Manila Police District (MPD Moriones Police Station;

Habang kabilang din sa iimbestigahan sina PCapt. Raldolph Piñon, Chief Intel Section PDEG SOU 4A; PMSGT Lorenzo Catarata; PSMS Jerrywin Rebosora; PSSG Arnold Tibay at Patrolman Peter Gular.

Pansamantalang pinagbibitiw ni Abalos ang naturang mga opisyal para bigyang-daan ang imbestigasyon ukol sa isyu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter