INAASAHAN ang pagdagsa ng mga sasakyan o traffic rush sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hanggang ngayong araw ng Martes, Abril 11.
Ayon sa NLEX Corporation ito ay dahil na rin sa inaasahang pagbabalik ng mga nagbakasyon sa kani-kanilang mga probinsiya kasabay ng pagtatapos ng long weekend.
Kaugnay nito, naka-deploy na ang kanilang patrol teams sa mga strategic area para mapangasiwaan ang inaasahang traffic situation sa mga nabanggit na expressway.
Nitong hapon ng Lunes, inihayag ng NLEX Corp. na lahat ng lanes ng NLEX at SCTEX ay passable lalo sa Bocaue Toll Plaza, Candaba Viaduct Southbound, Dau to Mexico Southbound, SCTEX Mabiga to NLEX Dau Southbound, at Tarlac Toll Plaza.
Hinihimok pa rin ang mga motorista na nagplaplanong gumamit ng tollways na i-monitor ang traffic situation sa NLEX at SCTEX sa pamamagitan ng kanilang live feed upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko.