MATATANGGAP na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang P5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI) ngayong araw.
Ito ang magandang balita ni PNP Directorate for Comptrollership PMaj. Gen. Rommel Francisco Marbil.
Ayon kay Marbil, ang pagbibigay ng PEI ay alinsunod sa section 6 ng Executive Order (EO) 201, para sa lahat ng kuwalipikadong empleyado ng gobyerno.
Agad na pinasalamatan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga pulis.
Habang pinuri ni Acorda ang hindi matatawarang dedikasyon ng mga pulis upang matiyak ang seguridad ng publiko lalo na ngayong Kapaskuhan.