PNP, tiniyak na malinis ang hanay sa kontrobersiyal na “reward-shabu” ng PDEA

PNP, tiniyak na malinis ang hanay sa kontrobersiyal na “reward-shabu” ng PDEA

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na wala silang kahalintulad na modus sa kanilang mga operatiba sa kanilang anti-illegal drug ops nito sa bansa.

Kaugnay ito sa mga isinawalat na testimonya ng mismong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may ilang ahente sa kanilang hanay na sangkot sa nasabing bagong modus operandi.

Ayon kay PNP Public Information Office Head Col. Rederico Maranan, tiniyak nito na walang ganitong sistema o kalakaran sa kanilang hanay.

Aniya, alam ng kanilang mga operatiba ang batas sa mga nakukumpiska nitong mga shabu para gamitin bilang matibay na ebidensiya laban sa mga taong sangkot sa nasabing iligal na gawain.

Sa pagpapaliwanag ng opisyal sa SMNI, sa mismong araw at lugar kung saan isinasagawa ang imbentaryo ay istriktong ipinatutupad ang 3 witness rule kung kayat imposibleng may maipuslit na droga ang kanilang mga operatiba.

Sa kabila nito, aminado ang PNP na ang nasabing modus ay hindi magandang ehemplo para sa mga law enforcement agencies ng bansa sa pagsisikap ng pamahalaan na masawata ang problema ng iligal na droga sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter