PNP, tutulong upang maabot ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa

PNP, tutulong upang maabot ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan na tumulong upang matamo ang nilalaman ng Oslo Joint Communique.

Nabatid na nagkakaroon ng exploratory talks ang gobyerno at ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang wakasan ang limang dekadang armed conflict.

Sa pahayag ng PNP, binigyang-diin nito ang Oslo Joint Communique bilang isang mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng mapayapa, maunlad at nagkakaisang bansa.

Pinuri din ng PNP ang karunungan, katapangan, at pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tuklasin ang lahat ng paraan tungo sa pangmatagalang kapayapaan, pagkakasundo, at pagkakaisa.

Naniniwala ang PNP na para matamo ang kapayapaan ay kinakailangan ang positibong pakikilahok ng lahat ng panig upang marinig ang kanilang pananaw.

Follow SMNI NEWS on Twitter