PNP, walang namo-monitor na banta sa kaliwa’t kanang aktibidad ngayong Kapaskuhan

PNP, walang namo-monitor na banta sa kaliwa’t kanang aktibidad ngayong Kapaskuhan

NAGPAPATULOY ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad ng publiko ngayong holiday season.

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, wala silang namo-monitor na seryosong banta sa kaliwa’t kanang aktibidad ngayong kapaskuhan batay sa isinagawang threat assessment.

Sinabi ni Fajardo na patuloy ang koordinasyon nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapanatili ang peace and order.

Nabatid na naka-full alert ang PNP, kung saan mahigit 39,000 pulis ang idineploy sa mga terminal ng bus, paliparan, pantalan, malls, simbahan, at iba pang matataong lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble