KASABAY ng paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo, inanunsyo na rin ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang magiging iskedul.
Mula Abril 17 hanggang abril 20, suspendido ang kanilang operasyon sa Laguna, Quezon, Camarines Sur at Albay.
Ito ay para bigyang-daan ang annual rolling stock at engineering maintenance activities.
Kabilang sa ruta na walang operasyon ang Calamba to Lucena, Naga to Sipocot at Naga to Legazpi City.
Magbabalik-normal naman ang operasyon ng mga nabanggit na ruta sa Abril 21.
Para naman sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa biyahe ng PNR ay maaaring bisitahin ang kanilang official facebook page.