INANUNSYO ng Philippine National Railways (PNR) ang magiging schedule ng kanilang operasyon kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Mula Abril a-dise siyete hanggang Abril a-bente, suspendido ang kanilang operasyon sa Laguna, Quezon, Camarines Sur at Albay.
Ito ay para bigyang-daan ang annual rolling stock at engineering maintenance activities.
Kabilang sa ruta na walang operasyon ang Calamba to Lucena; Naga to Sipocot; at Naga to Legazpi City.
Magbabalik-normal naman ang operasyon ng mga nabanggit na ruta sa Abril a-bente uno.
Para sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa biyahe ng PNR ay maaaring bisitahin ang kanilang official facebook page.