KASALUKUYANG nahaharap sa isang reklamo ang police chief ng Seoul, South Korea kaugnay sa naganap na Itaewon stampede noong 2022.
Kinilala ang police na si Kim Kwang-ho ng Seoul Metropolitan Police Agency.
Sa ulat, nakatanggap na ng maraming emergency calls ang pulis sa lugar noong Oktubre 29, 2022 kung saan sinasabi ng mga ito na maaaring magkaroon ng sakuna sa Itaewon dahil sa overcrowding subalit walang tugon.
Sa katunayan, apat na pulis lang ang nai-deploy sa lugar.
Matapos ang pangyayari ay sinabi ng mga pulis sa Seoul na wala silang guidelines hinggil sa pamamahala ng malakihang pagtitipon kung kaya’t hindi nila naresolba ang naturang stampede.
Hindi pa sana nahaharap sa reklamo ang nabanggit na chief of police subalit matapos naaresto ang dalawang police officials noong Disyembre 2023 dahil sinira umano ng mga ito ang ilang ebidensiya kaugnay sa stampede, nadiskubreng malaki ang pananagutan ni Kim.