MAS lalo pang paiigtingin ng Butuan City Police Office ang mga aktibidad ng Police Community Relation (PCR) nito sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay PCpt. Anne Cubio-Chief PIO ng Butuan City Police, sinabi nito na maraming mga aktibidad ang kanilang gagawin sa nagpapatuloy na Police Community Relation (PCR).
Ani Cubio, sila ay magkakaroon ng mga aktibidad sa buong buwan ng Hulyo.
Butuan Police Community Relation Activities
-Livelihood and Skills Training
-Crime Prevention Symposium
-Giving of Food and Non-Food Items
-Community Outreach Program
-Tree Planting
Ayon sa opisyal, idineklara ang buwan ng Hulyo bilang PCR Month at asahan na marami pang mga aktibidad ang isasagawa ukol dito.
“May series of activities po tayo as mandated po ng Presidential Decree No 764 that we proclaim the month of July every year as PCR month to that…prior of the month of July marami po tayong nakahilira o series of activities na andyan na at first we have kick off para makita rin ng lahat ng, we will celebrating to this month as 28th Celebration for PCR month,” ayon kay Anne Cubio-Chief PIO-BCPO.
BCPO personnel, nag-aambagan para maisakatuparan ang kanilang outreach program
Dagdag pa ni Cubio isa rin sa aktibidad na kanilang gagawin ay ang outreach program kung saan magbibigay sila ng tulong sa mga napiling mga indibidwal na mga mahihirap na nararapat na mabigyan ng tulong.
Binigyang-diin ni Cubio na ang pinansiyal na kanilang pondo ay mula mismo sa kanilang mga suweldo upang maisakatuparan ang kanilang outreach program.
“Hindi din natin pwede asahan na lahat ng mga suporta ng, from stakeholders kasi yung stakeholders natin alam din natin na mayroon sila iba pang mga obligasyon at saka may iba pa silang mga tinutulongan kaya nga with our own initiative po especially po dito sa personnel ng Butuan City Police Office yan po iniative po yan ng lahat na nag-aambagan po kami,” saad ni Cubio.
PCR, malaking ambag sa magandang ugnayan ng pulis at komunidad
Bunsod nito binigyang diin ni Cubio, na mas lalong nagkaroon ng maayos na ugnayan ang komunidad at polisiya dahil sa PCR ng PNP.
Dahil dito mas lalo pang napaigting ang magandang relasyon ng mga police at bawat mga residente ng Butuan dahil magkatuwang na ang mga ito sa pagpapanatili ng maayos na peace and order ng lungsod.
“Sa ngayon po sa PCR, tinatawag nating CAD ngayon marami po tayong community na re-re organized yung mga peopled ‘yung na re-re organized nagagawa na natin ngayon at saka nakikita natin yung trust and confidence ng mga kababayan natin na pabalik na sa PNP through po sa tulong sa community, naitaguyod natin ang lahat, naging successful naman lahat mayroon breakthrough results,” aniya.