PALALAKASIN ng Haiti ang kanilang police department sa gitna ng dumaraming gangs partikular na sa kanilang capital city.
Nitong Enero 30, 2024 ay nagkita-kita sina Haiti Prime Minister Ariel Henry at iba pang mga opisyal mula sa ibang bansa.
Halimbawa rito ang mga opisyal mula Estados Unidos, Canada, Japan, Germany, United Nations, at European Union.
Sa Haiti, tinatayang katumbas ng 80 porsiyento ang gangs na namamahala sa kanilang capital city at nasa 10-K lang na mga pulis para sa 11-M Haitians.