Police Gen. Rodolfo Azurin, “no regrets” sa 9 buwang pagiging PNP chief

Police Gen. Rodolfo Azurin, “no regrets” sa 9 buwang pagiging PNP chief

MASAYA at walang pinagsisisihan si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa kaniyang 9 buwang panunungkulan bilang hepe ng Philippine National Police.

Aniya batid niyang nagawa naman niya ang lahat para sa organisasyon partikular na sa kontrobersiyal na isyu ng iligal na droga sa PNP.

Kaya naman payo niya sa susunod na papalit sa kaniyang posisyon, na ito’y maging matatag at matapang na harapin ang mga hamon sa pagiging hepe ng Pambansang Pulisya.

Kasabay nito ang pagtitiyak na nakahanda siyang harapin ang posibleng mga banta sa kaniyang buhay laban sa mga nakabangga nito sa laban ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Giit ni Azurin, kung kapalaran nito ang maagang kamatayan, tatanggapin niya ito kung ipagkakaloob din ito ng Diyos sa kaniyang buhay.

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Azurin sa pagsasapubliko ng mga pangalan na nais niyang maging kahalili sa pwesto sa PNP.

Matatandaang, nitong linggo lang din sinabi ni Azurin ang mungkahi nito kay Pangulong Ferdinand Ferdinand Marcos, Jr. na kausapin o idaan sa interview ang pagpili ng susunod na Chief PNP para malaman aniya ng Pangulo ang kakayanan ng isang opisyal na pamunuan ang Pambansang Pulisya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter