Police operation sa Sultan Kudarat, pinanindigang isang lehitimong operasyon

Police operation sa Sultan Kudarat, pinanindigang isang lehitimong operasyon

PINANINDIGAN ng Philipine National Police (PNP) na isang lehitimo ang nangyaring police operation sa Lambayong, Sultan Kudarat nakaraang linggo.

Ang nasabing police operation ay nagresulta ng pagkamatay ng isang anak ng opisyal na pulis at dalawang kasama nito sa Sultan Kudarat.

Sa kabila nito ay tiniyak ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

“They ignored the checkpoint and when they were chased, they fired at our policemen, that’s why there was an encounter,” pahayag ni Azurin.

Aniya, kanilang hihintayin ang resulta ng imbestigasyon ng Internal Affairs Service.

“Anyway, there is a motu propio investigation in cases like this and if there were lapses on the part of the PNP, the policemen involved will be investigated,” ayon kay Azurin.

Sa inisyal na report, sakay umano ng motorsiklo sina Horton Ansa, Jr., Arshad Ansa, at Samanoden Ali nang pinahinto ng mga pulis ang mga ito sa isang checkpoint sa Lambayong noong Disyembre 2.

Ngunit hindi umano tumalima ang tatlo bagkus nakipaghabulan at nakipagpalitan ng putok dahilan ng kanilang kamatayan.

Samantala, nakumpiska mula sa tatlo ang umano’y shabu.

Kinuwestyon naman ng ama ni Ansa na isang opisyal na pulis na nakadestino sa bayan ng Sharif Saydona Mustapha ang bersyon ng pulis sa nasabing insidente.

Aniya, wala pang rekord sa krimen ang kanyang anak at ang dalawang kasamahan nito.

Dagdag pa aniya, isang estudyante sa criminology ang kanyang anak na nais ding maging pulis na kagaya niya.

BASAHIN:

Operasyon ng militar laban sa mga rebelde sa Sultan Kudarat, pinuri

3 NPA, sumuko dahil sa pinaigting na military operation sa Sultan Kudarat

Follow SMNI News on Twitter