PINAGBAWALAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na makipagselfie sa international players ng FIBA World Cup na nasa Pilipinas ngayon.
Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Police Colonel Jean Fajardo, ito’y upang hindi makompromiso ang seguridad ng lahat ng delegado ng FIBA World Cup sa gitna ng laro ng mga ito sa iba’t ibang lokasyon sa bansa.
Giit ni Fajardo, tanging trabaho ng mga pulis ay bantayan ang lahat ng mga bisita at gawing ligtas ang pananatili ng mga dayuhan dito sa Pilipinas.
Samantala, hihigpitan naman ng PNP ang publiko o basketball fans sa pakikipagselfie sa mga players ng FIBA para maiwasan ang anumang gulo at malagay sa alanganin ang seguridad ng mga ito.