Polisiya para sa edible gardening para sa food security, isinusulong ng Climate Change Commission

Polisiya para sa edible gardening para sa food security, isinusulong ng Climate Change Commission

HINIKAYAT ng pamunuan ng Climate Change Commission (CCC) ang mga local government unit (LGU’s) na isulong ang edible landscaping o edible gardening para makamit ang sustainable food security ng buong bansa.

Ayon kay Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr., bahagi ito ng climate action plan ng ahensya.

Sa pagdalaw ng opisyal sa Kalinga, ipinunto nito ang pagtutok sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa gitna ng lumalalang usapin sa seguridad ng pagkain na pinalala pa ng mabilis na paglago ng populasyon ng bansa at bumababang availability ng lupain para sa agrikultura.

Dahil dito, binigyang-diin ni Dela Cruz na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa food production sa ilalim ng adverse conditions at aplikable sa household level crop production ay posibleng solusyon sa food security.

Giit ng opisyal, bahagi rin ito ng pagtugon sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “pagkain ay hindi lamang isang trade commodity kundi existential imperative at isang bagay na naaayon sa ating moralidad

 

Follow SMNI NEWS in Twitter