SIMULA bukas Setyembre 1 ay maaari nang hindi magsuot ng facemask ang mga residente sa lungsod ng Cebu.
Ito ay matapos aprubahan at lagdaan ni Cebu City Mayor Michael Rama ang isang executive order para sa non-mandatory na pagsuot ng facemask sa mga outdoor o open spaces.
Ang exempted lamang sa kautusan ay ang mga ospital o health facilities.
Nakadepende naman sa mga business establishment kung ire-require ng mga ito ang pagpapasuot ng facemask.
Ang Department of Health (DOH) sa kabilang banda, sinabing hindi sila nakonsulta ng Cebu City Government hinggil sa kanilang bagong polisiya.
Banat ni Vergeire sa lokal na pamahalaan, hindi pupwede na lilihis ito sa health protocol na ipinatutupad para sa lahat.
Saad ni Vergerie, malaki ang posibilidad ng pagtaas ng bilang ng impeksyon dahil sa gagawing pagluluwag ng lokal na pamahalaan.
Giit din ng opisyal na dapat maghintay ang lokal na pamahalaan na pag-aralan muna ng DOH ang pagluluwag sa pagsusuot ng facemask lalo pa’t dapat isalang-alang ang estado ng vaccination rate sa bansa.
Kasunod nito, inaasahan ng opisyal na aaksyun dito ang Department of Interior and Local Government (DILG).