Dubai, bubuksan ang pinakamalaking cinema screen sa Middle East

Dubai, bubuksan ang pinakamalaking cinema screen sa Middle East

BUBUKSAN sa Dubai ang sinehan na mayroong pinakamalaking screen sa buong Middle East.

Ang football fans sa UAE na hindi makakabiyahe papuntang Qatar ay maaaring mapanood ang FIFA World Cup 2022 sa pamamagitan ng pinakamalaking cinema screen sa buong Middle East na matatagpuan sa Dubai.

Nakatakdang magbukas ang Roxy Cinema sa Dubai Hills Mall ngayong araw.

Ang screen nito ay may sukat na 25 metro na lawak at 18 metrong haba, ang Roxy Xtreme ay dalawang beses na mas malaki sa tennis court.

Inaasahan na ang FIFA World Cup sa Qatar ay mag-aattract ng milyun-milyong manonood sa buong mundo pero dahil sa limitadong akomodasyon karamihan sa mga ito ay hindi makapapasok sa nasabing bansa.

Sa pamamagitan ng Roxy Xtreme, ang football fans sa UAE ay makasisiguro na lahat ng laban ay mapanonood ng mga ito sa kauna-unahang FIFA World Cup event sa Middle East.

Sa panahon ng pagsisimula ng nasabing World Cup, plano ng Dubai na mag-operate ng 40 flights bawat araw papuntang Qatar.

Follow SMNI NEWS in Twitter