NAAGAPAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibleng cyber attack sa sistema ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, na-trace na ang nasa likod ng naagapang insidente ng hacking incident ay nagmula sa China.
Dagdag-paliwanag ni Paraiso, hindi nito siniraan ang China bagkus ay humingi pa sila ng tulong sa China para matukoy ang nasa likod ng insidente dahil sakop ng kanilang hurisdiksiyon ang kinaroroonan ng mga hacker.
Ayon pa sa opisyal, sa kabila ng kakulangan ng pondo ay nagawa nilang maharang ang tangkang pag-atake sa sistema ng OWWA.