MAS mailalapit na ng pamahalaan ang serbisyong pangkalusugan sa Turtle Islands, Tawi-Tawi.
Ito’y matapos nakipagtulungan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mWell, isang healthcare technology platform ng Metro Pacific Investment Corporation at Huawei.
Saklaw sa serbisyo ng mWell ay consultations, e-prescriptions, at lab referrals.
Sa kabuuan, ang apat na barangay ng Turtle Islands na may 12 libo katao ang magiging benepisyaryo ng nabanggit na telemedicine.