TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila haharangin sakaling maghain ng petition for habeas corpus sa hukuman si dating Senator Leila de Lima.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na katunayan ay siya pa nga mismo ang nagmungkahi nito sa kampo ni De Lima para maipaliwanag ang kaso sa hukuman.
Ang writ of habeas corpus ay isang tugon o hakbang laban sa alegasyong iligal na pagkakulong o detensyon at inaatasan ang isang opisyal na dalhin ang akusado sa korte at patunayan ang dahilan ng pagkakakulong nito.
Inihalimbawa ni Remulla na kamakailan lang ay pinagbigyan ng Korte Suprema ang pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng writ of habeas corpus petition ni Atty. Jessica “Gigi” Reyes na dating chief of staff ni dating senator at ngayon ay Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.