PATULOY na bumababa ang COVID-19 positivity rate sa bansa sa loob ng magkakasunod na limang araw.
Kasunod ito sa mahigit 460 na naitalang COVID-19 cases nitong Sabado.
Batay sa monitoring ng OCTA Research, ang seven day positivity rate hanggang nitong Sabado ay nasa 8.2% mula sa 8.9% nitong Hunyo 22.
Samantala, nakapagtala ng 521 new COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Habang 630 naman ang nakarekober.
Sa ngayon nasa 8,244 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.