Poy Erram kukonsulta ng doktor para sa mental health

Poy Erram kukonsulta ng doktor para sa mental health

HIHINGI si Poy Erram ng TNT Tropang Giga ng propesyonal na tulong upang matugunan ang kanyang mental health issues.

Ito’y matapos aminin niyang naging hadlang na ang sitwasyon sa kaniyang paglalaro.

Kung matatandaan, noong Marso 23 sa Game 5 ay nagkaroon sila ng alitan ni TNT coach Chot Reyes.

Sa isang panayam ay inamin ni Erram na isa sa sanhi ng kaniyang mental health issue ay ang pagkamatay ng kaniyang ama noong Pebrero 13.

Noong 2020 ay dumaan din siya sa post-traumatic stress disorder at panic attacks.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble