PPA, nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Batangas

PPA, nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng sa Batangas

NAKIKIISA ang Philippine Ports Authority (PPA) sa pagtugon ng pamahalaan sa mga pinaka-apektado ng Bagyong Paeng sa buong Pilipinas.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, nakapagpadala na rin ng ayuda ang PPA sa mga nasalanta ng bagyo partikular na sa Batangas.

Nanawagan na rin ito sa mga tugboat operator at barge owner na makiisa sa anumang tulong na kinakailangan ng lokal na pamahalaan partikular na sa Antique, Zamboanga City, Sultan Kudarat, Maguindanao, Cotabato at Isabela.

Sa isang mensahe sinabi ni Santiago na handa ang PPA na tugunan sa abot ng makakaya ang pangangailangan ng mga nasalanta ni Paeng.

Nakipag-ugnayan na rin ang PPA kay Senador Imee Marcos para sa agaran at karagdagang tugon sa mga nasalanta.

Follow SMNI NEWS in Twitter