INUULAT ng Philippine Ports Authority (PPA) na mayroong 236 na stranded na biyahero mula sa tatlong pantalan sa bansa.
Sa abiso ng PPA as of 6am ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 20 ay 31 ang stranded sa PMO Bataan, 31 din sa Bohol habang 174 naman sa PMO Misamis Oriental/Cagayan de Oro.
Ang pagkaka-stranded ng mga pasahero ay dahil sa tropical depression “Kabayan”.
Paalala naman ng PPA sa mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa mga concerned shipping lines bago pumunta sa pantalan para maiwasan ang anumang abala.