Prangkisa ng Meralco pinalawig pa ng hanggang 25 taon

Prangkisa ng Meralco pinalawig pa ng hanggang 25 taon

NILAGDAAN ng Malacañang ang batas na nagpapalawig sa prangkisa ng Meralco ng panibagong 25 taon.

Ibig sabihin, magpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang sa taong 2053.

Sa panig ng Meralco, ang pagpapalawig ng kanilang prangkisa ay magbibigay-daan sa kanila upang maisakatuparan ang mga pangmatagalang proyekto sa imprastraktura at mga solusyon sa enerhiya.

Unang ipinagkaloob ang prangkisa ng Meralco noong taong 1903 at huling pinalawig sa pamamagitan ng Republic Act No. 9209 noong taong 2003.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble