INIMBITAHAN ni Pres. Yoon Suk-Yeol si National Assembly Speaker Kim Jin-Pyo sa isang dinner sa official Presidential residence noong nakaraang linggo at nag-request sa tulong nito na maipasa ang 2023 budget plan ng gobyerno.
Ang dinner na ito ay dinaluhan din ni Prime Minister Han Duck-Soo, Supreme Court Chief Justice Kim Meong Su at Constitutional President Yoo Nam-Seok.
Hiniling umano ni Yoon na mamagitan ang speaker sa ruling at opposition parties upang ang budget plan na naka-pending sa parliamento ay maipasa sa maagang panahon.
Matatandaan na nabigo ang dalawang partido na maipasa ang proposal sa legal deadline nito noong Disyembre 2.
Nakatanggap naman ng kritisismo ang dinner na ito dahil mga malalapit na kaalyado lamang umano ng presidente ang naimbitahan sa bago nitong residensya.