President  Erdogan ng Turkiye, inaprubahan ang ratipikasyon ng Sweden sa NATO

President  Erdogan ng Turkiye, inaprubahan ang ratipikasyon ng Sweden sa NATO

INAPRUBAHAN ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang ratipikasyon ng pagiging miyembro ng Sweden sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Bumoto ang parliamento ng Turkiye sa panukala matapos ang naging debate sa Grand National Assembly.

Sa kabuuan, 346 na mambabatas ang nakilahok habang 287 ang bumotong pabor dito, 55 naman ang tumutol habang apat ang nag-abstain.

Dahil sa ratipikasyon ng Turkiye, Hungary na lamang ang tanging NATO member country na hindi inaaprubahan ang aplikasyon ng Sweden.

Pinangako naman ni Hungarian Prime Minister Viktor Orban na ang gobyerno nito ay suportado ang membership ng Sweden at hihilingin sa national assembly na bumoto ng pabor sa Sweden para makalahok na ito sa nasabing samahan.

Samantala, sinabi naman ni Hungarian Parliament Speaker Laszlo Kover na hindi naman kinakailangan na madaliin ang membership ng Sweden sa NATO maliban na lamang kung mayroong peligrong sitwasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble