Presidente ng Brazil, hindi dadalo sa COP26 summit

Presidente ng Brazil, hindi dadalo sa COP26 summit

KINUMPIRMA ni Brazilian President Jair Bolsonaro na hindi ito dadalo sa gaganaping 26th United Nations Conference on Climate Change o COP26 summit sa Scotland dahil sa umano`y sariling estratehiya nito.

Ngunit sa kabila ng pahayag ng Pangulo, sinabi naman nitong dadalo si Minister of Environment, Joaquim Leite para magrepresenta sa bansa.

Dagdag pa ni Bolsonaro na kung hindi man ito dadalo sa COP26 ay dadaluhan naman nito ang G20 meeting.

Samantala, ayon sa  observatory’s greenhouse gas emission estimation system ay tumaas ng 9.5% ang gas emission ng Brazil sa gitna ng pandemya dahil sa ginawang deforestation sa bansa noong 2020.

Ito ay kabaliktaran umano sa nagaganap sa mundo kung saan bumaba ng 7% ang global average emission dahil sa pagtigil ng paglalakbay, industriya, at serbisyo ng mahigit isang taon.

Ang United Nations Conference on Climate Change ay naglalayong magkaroon ng carbon neutrality sa taong 2050.

SMNI NEWS