KINUMPIRMA ni House Speaker Martin Romualdez na pumapasok na sa Kamara bilang intern ng Office of the Speaker si Presidential son Vinny Marcos.
Ang paglilinaw ay ginawa matapos mamataan ang pinakabatang Marcos na kasama sa pagpupulong ng House Minority bloc nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Romualdez, Lunes pa, (Enero 23) nitong nakaraang linggo nang mag-umpisa sa kaniyang internship ang anak ng Pangulo.
Sasalang aniya ito sa legislative processes pati na ang role at interaction sa iba’t ibang committee at department.
Pati na ang mga paraan kung paano mapabilis ang pagpasa sa ‘vital bills at iba pang panukala na pakikinabangan ng taumbayan.
‘’He will be mentored on the daily grind at the House of Representatives, including the role and interaction of various committees and departments on the legislative processes,’’ saad ng House Speaker.
Si Speaker Romualdez mismo ang mangunguna sa supervision ng training ni Vinny Marcos.