BINISITA ni Presidential son Vinny Marcos ang Batasan Pambansa nitong Miyerkules.
Sa Facebook post ni House Minority Leader Nonoy Libanan, kinumpirma nito ang presensya ng bunsong anak ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nakipagpulong sa kanila sa House minority bloc.
Wala namang idinetalye si Libanan sa mga napag-usapan nila kasama ang batang Marcos ngunit ikinalugod ng minorya sa Kamara ang presensya nito.
‘’The agenda was centered on our priority measures for the year 2023. We are also delighted to have welcomed the President’s youngest son, Vinny Marcos who joined us this meeting. Thank you for visiting us,’’ ani Libanan.
Ang pagtatagpo ng minority group ay ang kauna-unahan ngayong taon.
Hindi naman nalalayo si Vinny sa Kamara kung saan naroroon ang kaniyang kapatid na si Congressman Sandro Marcos na kinatawan ng 1st District ng Ilocos Norte.
Gayundin ang kaniyang tiyuhin na si House Speaker Martin Romualdez na pinsang-buo ng kasalukuyang Pangulo ng bansa.