TUMAAS ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong Pebrero.
Nagpatupad ng dagdag na ₱0.70 kada kilo ang Petron at ₱0.73 kada kilo ang Solane simula nitong Sabado, unang araw ng Pebrero.
Tumaas din ng ₱0.35 kada litro ang presyo ng auto LPG ng Cleanfuel.
Ang taas-presyo ay katumbas ng ₱7.70 hanggang ₱8.03 na dagdag sa regular na 11-kilogram na LPG cylinder.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng 11-kg LPG sa Metro Manila bago ang taas-presyo ay nasa ₱860 hanggang ₱1,140 habang ₱42.55 kada litro ang karaniwang presyo ng Auto LPG.