Presyo ng paninda sa ilang pamilihan, bumaba dahil sa mabagal na inflation nitong Marso

Presyo ng paninda sa ilang pamilihan, bumaba dahil sa mabagal na inflation nitong Marso

BUMABA ang ilang mga paninda sa merkado nitong Marso kaugnay ng pagbagal ng inflation sa bansa.

Matatandaan, iniulat ng  na mula 8.6% inflation rate noong Pebrero ay naging 7.6% na lang nitong Marso.

Ilan sa mga pangunahing bilihin na malaki ang naging ambag ay pagkain, non-alcoholic beverages, transportasyon, housing, tubig, kuryente, gas at iba pang langis.

Ayon sa PSA, ang gulay ang pinaka nangungunang nakatulong sa pagbagal ng inflation rate mula 31.1% noong Pebrero ay naging 20% na lang ang inflation nito.

Dagdag ng ilang tindera, malaki anila talaga ang ibinaba ng mga paninda nilang gulay nitong Marso kumpara noong Pebrero.

Naging mataas din umano ang bentahan nila buhat nang dumaan ang Semana Santa.

Sa ngayon ay marami umano ang namimili dahil sa pagbaba ng presyo ng mga paninda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter