Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo

Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo

TAAS-presyo ang produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya ng oil industries, posibleng may dagdag na P1.30 – P1.60 ang kada litro ng gasolina.

Habang sa kada litro ng diesel ay P0.30 – P0.50 at P0.20 – P0.40 sa kerosene.

Magiging epektibo ang oil price hike sa araw ng Martes.

Nakatakda ring iaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na oil price adjustment ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter