INILABAS na ni Bella Padilla ang preview ng kaniyang pinakabagong pelikula na may pamagat na “Yung Libro Sa Napanood Ko”.
Sinulat, nai-direct at pinagbidahan ni Bella ang pelikula kasama ang South Korean actor na si Yoo Min-Gon.
Ang magiging kuwento ng pelikula ay sesentro sa isang K-drama enthusiast na nagkaroon ng inspirasyong magsulat ng isang libro.
Sa naging book launch ng character ni Bella sa pelikula, nilapitan siya ng isang Korean admirer na humingi ng kaniyang autograph at dito na iikot ang buong kuwento ng pelikula.
Ang “Yung Libro Sa Napanood Ko” ay official entry rin para sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.