INIHAYAG ni Thailand Prime Minister Prayut Chan o-cha na bubuwagin niya ang parliamento sa buwan ng Marso upang bigyang-daan ang eleksyon na gaganapin sa Mayo.
Ang 4 na taong termino ng gobyerno ay magwawakas sa Marso 23 pero inihayag ni Prime Minister Prayut na isasara niya ang House of Representatives bago iyon.
Itinalaga rin ni Prayuth ang Mayo 7 bilang araw ng eleksyon pero wala pang malinaw na detalye rito.
Pinangungunahan ni Prayut ang isang coalition government at tatakbo ng isa pang termino sa darating na eleksyon.
Inihayag naman ni Government spokesperson Anucha Burapachaisri na kung gaganapin ang eleksyon sa unang Linggo ng Mayo, posibleng mailabas ng election commission ang resulta sa buwan ng Hulyo.
Kaugnay nito ang bagong sesyon sa parliamento ay magbubukas at magtatalaga ng bagong chairman sa gitna ng buwan ng Hulyo at ang pagpili sa susunod na punong ministro ay inaasahan sa katapusan ng buwan na iyon.
Ang pagbuwag sa parliamento bago ang pagtatapos ng termino ng gobyerno ay bibigyang-daan ang campaign period na tumagal ng 45 hanggang 60 araw.