SA gitna ng naging tensiyon sa tahasang pagpasok ng mga grupo ng PNP-CIDG at SAF Troopers, kapansin-pansin ang isang aso sa hanay ng mga KOJC missionaries na tila nakikiisa sa pagprotekta ng kanilang lugar, sa Glory Mountain, Davao City.
Ito si Prince, ang alagang aso ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sa mga preaching ni Pastor Quiboloy, minsan niyang nasabi na,
“Mag-alaga na lang kayo ng mga aso, huwag lang ahas. Dahil ang mga aso ay loyal at hinding-hindi mag tra-traydor. Loyal na loyal ang mga ito hanggang sa kanilang huling hininga.”
Sa panahon ng panganib, alam na alam ng mga aso na may mga kalaban at proprotektahan nito ang kaniyang tahanan at ang taong naging mabuti sa kaniya.
Even Prince, the mountain dog stands his ground, how much more ang mga KOJC missionaries na inalay na ang buhay sa Diyos dahil sa mabuting pagbabago na ginawa sa kanila ni Pastor Apollo?