INAMIN ni Prince Harry na 25 Talibans ang kanyang napatay nang siya ay isang Apache helicopter pilot sa Afghanistan.
Subalit paliwanag nito, hindi siya nasisiyahan o nahihiya sa kanyang ginagawa.
Malinaw naman aniya na mga kalaban ng tao ang Taliban at ang pagpatay ng mga ito ay paghihiganti para sa mundo.
Pagsasalarawan pa niya, nagmimistulang chess pieces ang mga tao na kanilang naging target.
Forward air controller si Prince Harry noong 2007 hanggang 2008 sa Afghanistan at 2012 hanggang 2013 naman nang nagpapalipad na ito ng Attack helicopter.
Si Prince Harry ay 10 taon sa British Army.