IPINAG-utos na ng awtoridad ng Taliban ang nationwide ban ng university education para sa mga Afghan women habang patuloy nitong sinisira ang karapatan ng mga kababaihan at kalayaan.
Sa kabila ng pangakong mas maluwag na patakaran ng Taliban nang sakupin nito ang bansa noong nakaraang taon, mas pinaghigpitan pa nito ngayon ang lahat ng aspeto sa pamumuhay ng mga kababaihan.
Ayon sa nilagdaang sulat ni Minister for Higher Education, NEDA Mohammad Nadeem, kailangang agad na ipatupad ang pag-suspinde sa edukasyon ng lahat ng mga kababaihan sa kanilang nasasakupan.
Matatandaan na marami sa mga kababaihan sa bansa ang tinanggal na sa kanilang trabaho sa pamahalaan o binawasan ang sahod ng malaking halaga upang mapwersang manatili na lamang sa kanilang tahanan.
Pinagbawal na rin ang kanilang pagbiyahe nang walang kasamang lalaking kaanak, pagpunta sa mga park, funfairs, gyms at public baths.
Simula nang ipinatupad ang mga nasabing ban, marami rin sa mga teenager na kababaihan ang ipinakasal nang maaga sa mga mas higit na matanda na pinili ng kanilang ama para sa kanila.