MATAGUMPAY na nailunsad ng bansang India ang kauna-unahan nitong private-developed rocket, ang Vikram-S na gawa ng Indian space agency na Skyroot.
Nitong Biyernes nang inilunsad ito mula sa site ng agency malapit sa Chennai City.
Sa isang video ay makikita ang Vikram-S na nag-take off at pagkatapos ng 5 minuto ay nag-landing na ito sa Bay of Bengal sa Indian Ocean.
Samantala, ang Skyroot rockets ay ipinangalan kay Vikram Sarabhai, ang Indian physicist at astronomer na kinokonsiderang ama ng space programme ng India.