Private Eye Operation Ceremony, muling isasagawa ng PDEA

Private Eye Operation Ceremony, muling isasagawa ng PDEA

NGAYONG araw ay muling bibigyang pabuya ang mga sibilyan na naging informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan naging daan upang matugis ang mga drug personalities.

Dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa bayan, bibigyang pabuya ang mga ito sa ilalim ng Private Eye Operation ng Philippine Drug Enforcement Units (PDEU).

Ang mga naturang sibilyan na naging inpormante ay may malaking ginampanan sa mga operasyon ng ahensiya.

Dumaan sa  mabusising proseso ang mga ito upang matiyak ang pagkilala sa kanila ng ahensiya.

Katuwang ng PDEU sa pagbibigay pabuya mamaya ay ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, NGO, law enforcement at business sector.

Sa ngayon ay walang pang inilalabas na detalye ang Philippine Drug Enforcement Units kung ilang confidential informants ang makatatanggap ng pabuya ngayon at kung magkano ang halaga nito.

Ang programa ay bahagi ng operation private eye, isang citizen base information connection system ng PDEA na tumutulong sa mga operasyon kontra ilegal na droga.

Magsisimula ang seremonya ngayong alas diyes ng umaga, at inaasahan na marami pang mga sibilyan ang makikipagtulungan sa ahensiya upang tulungan ang gobyerno sa kampanya kontra iligal na droga.

BASAHIN: Pangulong Duterte, inatasan ang PDEA na magsumite sa ICC ng report ukol sa iligal na droga

Follow SMNI News on Twitter