PRO 11 Director BGen. Torre, nagsisinungaling—KOJC Legal Counsel

PRO 11 Director BGen. Torre, nagsisinungaling—KOJC Legal Counsel

IGINIIT ni Police Regional Office 11 Director Brigadier General Nicolas Torre sa nagdaang press conference na hindi siya nakatanggap ng tawag o text mula sa legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Israelito Torreon.

Iyan ay matapos maaresto ng kapulisan ang kapwa akusado ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Paulene Canada sa isang subdivision sa Davao City noong Hulyo 11.

Giit ni Torreon – nagsisinungaling si Torre dahil bilang abogado ni Canada, agad siyang nakipag-ugnayan sa opisyal nang matanggap ang balitang nahuli ang nasabing akusado.

“That is a lie. That is a lie because andito naman ‘yung mga text messages dito eh. Hindi naman siguro pupwede na i-deny niya ito. Siguro sasabihin siguro natin na technique niya lang ‘yun para matanong niya pa ng marami si Ma’am Paulene na walang abogado pero alam niya being a general na bawal po ‘yung because Republic Act 7438 in relation with section 4 mandates that persons arrested or detained at all times will be assisted by counsel. At all times,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

Matatandaang itinanggi ng tauhan ni Torre na naaresto si Canada at siya ay dinala sa Camp Catitipan.

Pero biglang binawi ng PNP ang nauna nilang pahayag dahil ang aktuwal na pagdakip kay Canada ay nakunan pala ng video.

Bandang alas-onse ng gabi nang maglabas ng ulat ang iba pang media at sinabing naka-detine si Canada sa Buhangin Police Station.

Pero pagdating ng KOJC legal counsels sa nasabing istasyon ay napag-alaman nila na hindi kailanman nadetine si Paulene Canada doon.

Nakatanggap ng impormasyon si Torreon na dinala na pala si Canada sa Camp Crame sa Quezon City.

11, nilabag ang Miranda Rights ng kapwa akusado ni Pastor ACQ na si Paulene Canada

Pagbibigay-diin ni Torreon – labag sa Miranda Rights ang ginawa ng PNP nang arestuhin si Canada at ibiyahe patungong Camp Crame nang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong makausap ang kaniyang abogado.

“Actually, that is a violation because at all times nga eh, she should have been assisted by counsel. Sana nandoon, kasama ako doon.”

“Ang nangyari kasi they subjected my client to an investigation without counsel. Alam mo kung basahin niyo yung batas, bawal ‘yun.” “Nakakapresyo ‘yun. 8 years imprisonment ‘yun at isang violation four years to six years ‘yung imprisonment doon. At may administrative liabilities pa. Perpetual disqualification to hold public office,” giit ni Atty. Torreon

Nang sumunod na araw, bumiyahe si Torreon patungong Camp Crame at personal na nakausap si Canada.

Inilahad niya na wala umanong gustong tumanggap sa akusado dahil aminado ang awtoridad na may iregularidad sa paghuli sa kaniya.

“‘Yung pagdating kasi ni Ma’am Paulene doon, walang magtanggap sa kaniya. Walang magtanggap kasi sa first night niya, sa hotel siya napatulog ni General Torre. Wala daw magtanggap sa kanila kasi, admitted nila na may irregularity doon sa pag-arrest sa kaniya at sa pag hindi pag-recognize sa aking tawag, sa aking text messages,” aniya.

Sa ngayon, sinabi ni Torreon na nakadepende na kay Canada kung magsasampa siya ng kaso laban sa mga awtoridad na umaresto sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble