PRO3 100 motorcycle cops, ipakakalat sa rehiyon para sa Yuletide season

PRO3 100 motorcycle cops, ipakakalat sa rehiyon para sa Yuletide season

BINUKSAN na ng Police Regional Office (PRO) 3 ang kanilang Motorcycle Tactical Response Training bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa mas ligtas at mapayapang pagdaraos ng Yuletide season.

Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong pataasin ang kakayahan ng mga pulis sa mabilisang pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang motorsiklo, kabilang ang emergency response, pagsugpo sa kriminalidad, at pagbibigay seguridad sa mga komunidad.

Kasabay rito, ipakakalat ang 100 motorcycle cops sa iba’t ibang panig ng rehiyon bilang bahagi ng pinaigting pang police presence.

Ayon kay PBGen Redrico A. Maranan, Regional Director ng PRO3, ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanilang estratehiya na tinatawag na Peace and Order Operational Framework laban sa drug groups, criminal gangs, at private armed groups.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter