Problema sa fake news, tututukan ng Office of the Press Secretary –OIC Garafil

Problema sa fake news, tututukan ng Office of the Press Secretary –OIC Garafil

ISANG seryosong bagay na tututukan ng Office of the Press Secretary (OPS) ang problema sa fake news sa bansa.

Ito ang iginiit ni OPS OIC Usec. Cheloy Garafil.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng bagong survey ng Pulse Asia kung saan 9 sa 10 Pilipino ang naniniwalang malaking problema ang fake news sa bansa.

Hindi naman ipinagkikibit-balikat ng Palasyo ang lumabas na survey.

Saad ni Garafil, mayroong mga programa ang OPS na ilalatag sa mga susunod na araw.

Tiniyak naman ng Malakanyang na agad nila itong ilalabas para tuluyan nang matugunan ang mga problemang dala ng fake news.

Follow SMNI NEWS in Twitter