INIHAYAG ni South Korean Ambassador to the United States Cho Tae Yong na inaasahan ang malawak na probokasyon ngayong taon ng North Korea sa international community.
Ayon kay Cho, parte ng rason para sa pagpapatuloy ng probokasyon ng Pyongyang ay dahil nabigo si North Korean Leader Kim Jong Un na palaguin ang ekonomiya ng bansa nito.
Ayon pa sa South Korean Diplomat, wala umanong positibong nangyayari sa North Korea sa ngayon.
Ito ay inihayag ni Cho sa isang seminar na inorganisa ng Washington-based center for strategic and international studies think tank.
Matatandaan na nagpakawala ng 69 na ballistic missiles ang Pyongyang noong nakaraang taon na mas marami sa bilang na pinakawalan nito ilang taon na ang nakararaan.
Samantala, sinabi naman ng South Korean Ambassador na ang external trade ng North Korea ay bumagsak sa limang porsyento noong nakaraang taon mula sa pagtaas nito noong 2011 at 2012.