ISASAILALIM ng United States ang Ukrainian Forces sa training sa state ng Oklahoma kung paano gumamit at pangalagaan ang Advanced Patriot Air Defense System na ilalaan ng Washington sa Kyiv ayon sa Pentagon.
Pinangakuan ng Washington ng isang patriot battery sa Ukraine sa katapusan ng nakaraang taon upang makontra ang walang tigil na aerial attacks ng Moscow.
Ayon kay Pentagon Press Secretary Brigadier General Pat Ryder, magsisimula na ang training para sa Ukrainian Forces sa Patriot Air Defense System sa susunod na linggo sa Fort Still, Oklahoma.
Ihahanda ng nasabing training ang nasa 90-100 Ukrainian soldiers upang magpagana at i-maintain ang defense system sa gagawing training course na inaasahang tatagal ng ilang buwan.