Prof. Malou Tiquia: Mga sumasalungat sa gobyerno hindi agad maituturing na ‘trolls’

Prof. Malou Tiquia: Mga sumasalungat sa gobyerno hindi agad maituturing na ‘trolls’

HINDI agad maituturing na ‘trolls’ ang lahat ng mga indibidwal na sumasalungat sa kung ano ang sinasabi ng gobyerno.

Kung titingnan nga naman ayon sa political analyst na si Prof. Malou Tiquia, alam ng publiko kung sino talaga ang gumagamit ng trolls.
Tugon ito ng political analyst hinggil sa pagbabanta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. laban sa umano’y ‘trolls’ sa kaniyang social media post.

Mapapansin na sa mga post ngayon ng Marcos Jr. admin, madalas na ‘laughing emoji’ ang nakukuhang reaksiyon nito at ito na ang itinuturing na trolls.

Samantala, hiniling din ni Tiquia na sana’y hindi naman gamitin sa pangangampanya ngayong eleksiyon ang mga ahensiya ng gobyerno dahil sa kaniyang obserbasyon, ito na ang nangyayari sa kasalukuyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble