MULING nakatanggap ng pagkilala ang programang PaTalk ng DZAR1026 Sonshine Radio Manila sa katatapos lang na MELA o Metro Excellence Leadership Awards 2024 na ginanap a Quezon City
Sa ilalim ng temang “Gintong Pamana ng Lahi”, isa ang “PaTalk” na binigyan ng parangal bilang Trusted Business Program in Radio sa kategorya ng pamamahayag
Ayon kay Ginoong Artchie Scott Solitano, MELA Awards Committee Chairman, malaking oportunidad ang naitutulong ng PaTalk sa adhikain ng komite na maipakilala ang angking galing ng mga Pilipino sa anumang larangan
Malaking bagay rin ang mga panayam at pagsuri sa mga negosyong Pinoy para mapalago pa ang lokal na ekonomiya ng bansa at maiangat ang kabuhayan hindi lang ng mga negosyante kundi ng mga katuwang nito sa negosyo gaya ng mga magsasaka, empleyado at.mga tumatangkilik ng ibat ibang produkto at serbisyo
Bukod sa PaTalk, kinilala rin ngayong taon ang mga talento at serbisyo ng mga recepient mula sa kategorya ng Entertainment, Arts, Education, Health, Business at Public Service
Ito na ang ikaapat na beses na pinarangalan ang PaTalk mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa para sa taong 2024.