Proteksiyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso, posibleng maapektuhan dahil sa AI

Proteksiyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso, posibleng maapektuhan dahil sa AI

POSIBLENG magkaroon ng kumplikasyon o kahirapan sa pagbibigay-proteksiyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso dahil sa artificial intelligence (AI) ayon sa National Crime Agency (NCA) ng United Kingdom.

Ayon sa ahensiya, ito ay dahil sa nililikhang child abuse images ng AI o ang tinatawag na AI-generated child pornography dahilan para mahihirapang matukoy kung tunay na bata ang nasa panganib.

Sa pahayag ni Graeme Biggar, Director-General ng NCA, ibinabala nito ang naturang mga computer-generated images na bumabaha ngayon sa internet na maaaring mag-normalize sa pag-aabuso sa mga tunay na biktima.

Aniya pa, nagpapahirap ito sa mga awtoridad na maproteksiyunan ang mga tunay na bata na nasa panganib.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter